Mga tanong tungkol sa mga medikal na pagsusuri
Ako ay matanda na at karamihan sa aking mga kaibigan ay dumaranas ng iba’t ibang klaseng karamdaman. Gusto ko sanang malaman kung meron ba akong nakatagong karamdaman. May kasabihan nga na ang sakit ay pinakamahusay gamutin habang ito ay nasa maaga pang yugto. Mayroong maraming patalastas ngayon tungkol sa mga medikal na pagsusuri. Pero hindi ko alam kung ano ang aking pipiliin. Ang pinaka mahal ba ang pinaka magaling?
Si Ginoong Chan ay napaka talino at siya ay may maraming kaalaman tungkol sa pangkalusugan. Pero paano nga ba magiging epektibo ang isang medikal na pagsusuri? Ngayon ay humingi sya ng payo sa kanilang doktor.
Doktor, bakit po ba kailangan natin ng medikal na pagsusuri?
- Ang pangunahing layunin ng isang medikal na pagsusuri ay ang tuklasin ang mga sakit habang maaga pa upang ang mga ito ay maagang mapigilan para mabawasan ang pagkakataon na ito ay magiging kumplikado.
- Ang ibang mga pabalik-balik na sakit katulad ng diabetes at high blood pressure ay puedeng hindi nakikitaan ng maagang sintomas, pero ang kanilang kumplikasyon nagbibigay ng mabigat na suliranin sa mga matatanda. Ang maagang pag tuklas at pagpagamot ay nakakatulong sa mabisang pag pigil ng sakit. Samakatwid, ang mga matatanda ay dapat magkaroon ng regular na pagsusuri para sa mga ganitong pangkaraniwan na mga sakit.
- Ang isang medikal na pagsusuri para sa matatanda ay dapat mayroong palaging kasamang pagtasa ng mga pangkalusugang peligro na pangangasiwaan ng isang medikal na propesyonal para maunawaan kung merong mga kadahilanan ang mga peligrong ito (katulad ng pagkakaroon ng hindi maayos na diyeta, kakulangan sa ehersisyo at paninigarilyo) o di kaya ay may mga kakulangan (katulad ng pagkakaroon ng mahinang pandinig, malabong mata o nahihirapang magbalanse). Kung gayon, sila ay paglaanan ng angkop na pagsasaayos, patnubay, sangguni at payo para maibsan ang mga peligro ng mga sakit o mga aksidente.
Lahat ba ng mga sakit ay mapipigilan sa pamamagitan ng mga medikal na pagsusuri?
- Hindi lahat ng sakit ay natutuklasan ng maaga sa pamamagitan ng medikal na pagsusuri para ito’y mapagamot kaagad. Iyon lamang mga sakit na pabalik-balik at mababagal na tumutubong kanser ang madaling natutuklasan sa pamamagitan ng medikal na pagsusuri.
- Ang medikal na pagsusuri ay hindi naman nakakapagod. Ang mga matatanda ay karapat dapat lamang na palaging bigyan ng pansin ang mga pagbabago ng kanilang katawan. Kung mayroong pag aalangan, dapat sila ay komunsulta ng doctor, kung saan ay gagawan sila ng naangkop na imbestigasyon.
Ano ba ang nilalaman ng isang medikal na pagsusuri?
Ang isang malawakang medikal na pagsusuri ay dapat naglalaman ng pag uusisa sa kasaysayang medikal ng isang indibidwal, pagtatasa ng pangkalusugang peligro, pagsusuri ng katawan at naaangkop na mga pagsusuri. Lahat ng impormasyon ay dapat na masusing tasahin ng doctor para makapagbigay ng eksaktong pagpapasiya.
Maraming iba’t ibang medikal na pagsusuri at pagsisiyasat ang abo’t kamay ngayon. Alin nga ba sa mga bagay na ito ang dapat kong piliin?
- Ang mga kinakailangang bagay ay iba-iba depende sa isang tao. Mga naaangkop na mga payo ay dapat na ibinibigay ng doctor ng iyong pamilya base sa kundisyon ng isang indibidwal.
- May mga iilang pagsusuri ang tinuturing na “pangunahin” nang dahil sa ang mga iyon ay nakakatuklas ng pangkaraniwang mga sakit at kadalasan ay ligtas gawin. Ngunit walang tinatawag na “test package” na angkop para sa lahat. Ang pagsasagawa ng maraming pagsusuri ay hindi nangangahulugan na ito ay mas nakakabuti, dahil ang mga hindi kinakailangang pagsusuri ay pawing pagaaksaya lamang sa oras at pera. Samakatwid mas mainam na mayroong doctor na makapagsasabi kung ano ang mga kinakailangang mga pagsusuri at kung gaano ka dalas.
- May ilang mga pagsisiyasat na mas mahal at nagtataglay ng posibleng mga panganib, ang mga ito ay dapat ilalaan para sa mga mayroong mas mataas na posibilidad sa pagkakaroon ng sakit.
- Ang iyong doctor ang magdedesisyon sa kung anong klaseng pagsusuri ang isasagawa sa’yo base sa inyong pansariling kundisyon, kabilang na dito ang kasaysayan ng mga sakit ng iyong pamilya, mga kadahilanan ng panganib at mga resulta ng iyong mga nagdaraang medikal na pagsusuri.
Ano and ibig sabihin ng isang “maling negatibo” at ng isang “maling positibo” na resulta?
Hindi lahat ng pagsusuri ay talagang eksakto. Ang isang pagsusuri ay puedeng magbigay ng maling pagkilanlan ng karamdaman na ang resulta ay “maling negatibo” o “maling positibo”. Minsan may mga nakatagong sakit na hindi madaling nakikita sa mga pagsusuri.
- “Maling Negatibo”: Ang maling negatibo na resulta ay nangangahulugang ang pagsusuri ay nabigong tuklasin ang tamang karamdaman. Samakatwid, hindi mahanap ang sakit. Ang maling negatibong resulta ay nagdudulot ng pagkaantala sa pagpapagamot ng isang karamdaman.
- “Maling Positibo”: Ang maling positibo na resulta sa isang pagsusuri ay nangangahulugan na mayroong nakitang hindi pangkaraniwan sa isang malusog na tao. Nagdudulot ito ng hindi karapat dapat na pagaalala. Pagkakaroon ng paulit o karagdagang kumplikadong pagsusuri ay kinakailangan na nagreresulta sa pag-aaksaya ng pera.
Kapag ang resulta ng aking pagsusuri ay normal, ibig bang sabihin na ako ay magkakaroon na ng kumpyansa pagkatapos nito?
- May mga karamdaman na mayroong matinding bugso at hindi natutuklasan sa unang yugto, kaya hindi lahat ng mga resultang normal sa isang pagsusuri ay nagpapahiwatig ng perpektong kalusugan.
- Sapagka’t ang mga matatanda ang kadalasan nagkakaroon ng maraming sakit kaysa sa ibang pangkat ng edad, nararapat lamang na palaging bigyan nila ng pansin ang kanilang pangangatawan.
- Kapag mayroon kang nararamdamang hindi mabuti, pag-aalangan sa iyong kalusugan, o mayroong hindi maipaliwanag na pagbabago sa katawan katulad ng pagkawala ng gana sa pagkain, hindi maipaliwanag na pagpayat o pagbabago sa pagdudumi, huwag ipagsawalang-bahala ang mga sintomas na ito nang dahil lang sa “normal” na resulta ng kamakailan lang na pagsusuri. Ang mga iyon ay maaaring mga maagang sintomas ng seryosong karamdaman, at kailangan ang maagap na paghingi ng atensyong medikal.
Sakaling ang pagsusuring medikal ngayon ay nagpapahiwatig ng normal na resulta, kailan ako dapat magpapasuring muli?
- Ang karaniwan na rekomendasyon ay ang pagkakaroon ng taunang medikal na pagsusuri sapagkat ito ay madaling maalala, pero wala na man talagang napagkaisahan sa kung ano ang pinakamabuting haba ng agwat ng panahon kung kailan ulit magkakaroon ng kasunod na medikal na pagsusuri. Sa halip, ito ay naka depende sa iyong talaang pangkalusugan, kasaysayan ng mga naranasang sakit ng iyong pamilya at ang mga resulta ng mga nauunang pagsusuri.
- Ang propesyong medikal ay nagbibigay rekomendasyon sa kung gaano ka dalas isasagawa ang iilan sa mga partikular na pagsusuri, pero ang iniayong payo ay dapat lamang binibigay ng doktor ng pamilya na sang-ayon sa pansariling kundisyon.
Ano ang pinaka epektibong paraan upang mapanatili ang maayos na kalusugan?
- Ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay, kabilang na dito ang pag iwas sa paninigarilyo, pag iwas sa naninigarilyo, pagkakaroon ng regular na ehersisyo, pagkain ng tamang pagkain at pagpapanatili sa tamang timbang.
- Ang isang malusog na pamumuhay ay hindi lamang nakakapagpabawas ng peligro sa pagkakasakit kundi ay nakakatulong din sa pag pigil ng mga sakit na pabalik-balik.