Mga Alituntunin sa Pagkain para sa Mga Pasyenteng may Diabetes Mellitus
Ang Pamamaraan ng Palitan ng Carbohydrate
Ano ang "Carbohydrate "?
Ang "carbohydrate" ay tumutukoy sa sangkap sa pagkain na maaaring makaapekto sa antas ng glucose sa dugo, kasama na ang starch sa mga butil, fructose sa mga prutas, lactose sa mga produktong mula sa gatas at asukal sa mga matatamis na pagkain. Ang mga pasyenteng may diyabetis ay maaaring gamitin ang "palitan ng carbohydrate " upang maayos na ipamahagi ang mga pagkain na naglalaman ng mga carbohydrate sa kanilang araw-araw na mga diyeta. Hindi lamang ito makakatulong upang patatagin ang mga antas ng glucose sa dugo, kundi para din gawing iba-iba ang diyeta.
Paano gamitin ang "Palitan ng Carbohydrate"?
Kapag kumakain ng mga pagkaing may carbohydrate, ang mga pasyenteng may diyabetis ay maaaring gumamit ng isang "palitan (barter)" na pamamaraan upang makipagpalitan sa iba pang mga pagkain na naglalaman ng isang katulad na dami ng mga carbohydrate. Halimbawa, ang isa ay maaaring pumili ng isang antas ng mangkok ng lutong bihon bilang kapalit ng isang antas ng mangkok ng lutong kanin, kung saan pareho ang katumbas ng limang palitan ng carbohydrate.
Isang antas ng mangkok ng lutong
Limang palitan ng carbohydrate
Isang antas ng mangkok ng lutong bihon
Mga butil (Isang Palitan ng Carbohydrate)
1 buong kutsara ng lutong kanin
1/2 mangkok* ng lugaw
1/3 mangkok* ng macaroni (luto)
1/3 mangkok* ng pansit (luto)
1/5 mangkok * ng bihon, ho fun (luto)
2 antas na kutsara ng oats (tuyo)
1/3 piraso ng ordinaryong tinapay
1/2 hiwa ng malaking puting tinapay (walang crust)
1 hiwa of maliit na putting tinapay (without crust)
2 piraso (4 na parisukat) ng mga soda cracker
2 piraso ng biskwit
* Gamit ang isang 300ml na mangkok
Mga gulay na naglalaman ng mataas na halaga ng carbohydrate at butong-gulay (Isang Carbohidrat Exchange)
1/3 mangkok * ng sotanghon (babad)
12g sotanghon (tuyo)
4 na antas ng kutsarang balatong (luto) (hal. Itim na balatong, adzuki beans, paayap [o black-eyed peas], pulang balatong)
Patatas (tinatayang katumbas ng laki ng isang itlog)
Kamote (tinatayang katumbas ng laki ng isang itlog)
Lotus root (tinatayang katumbas ng laki ng 2 itlog)
Karot (tinatayang katumbas ng laki ng 2 itlog)
1/3 tainga ng mais
3 antas na kutsara ng butil ng mais
* Gamit ang isang 300ml mangkok
Mga Dim Sum ng Tsino (Isang Palitan ng carbohydrate)
2 piraso ng shrimp siomai (Ha Gau)
4 na piraso ng pork siomai (Siu Mai)*
1 piraso ng gulay lamang na chiu chow siomai
2/3 piraso ng prito sa kawali na turnip cake*
1/2 chicken bun
3/4 piraso ng rice roll (Cheung Fun) na may sariwang hipon
* Dapat iwasan ang pagkain ng mataas ang taba na mga dim sum
Mga Prutas (Isang Palitan ng carbohydrate)
1 kahel (maliit)
1 kiwi
1/2 mansanas (katamtaman)
1/2 peras (katamtaman)
1/4 saging (maliit)
1 daliri ng saging
10 ubas (maliit)
1/4 papaya (maliit)
Dragon fruit (maliit)
1/3 mangga (katamtaman)
1/4 libra pakwan (kasama ang balat)
Mga produkto na gawa sa gatas (Isang Palitan ng Carbohydrate)
1 tasa ng skimmed milk (walang tabang gatas) / low-fat milk (mababa-sa-taba na gatas) (240 ml)
3 - 4 na antas ng kutsara ng skimmed / low-fat milk powder
Serbisyo sa Kalusugan ng Matatanda, Kagawaran ng Kalusugan
Elderly Health na Infoline: 2121 8080
Website: http://www.elderly.gov.hk
Para sa anumang mga katanungan tungkol sa pamplet na ito, mangyaring kumunsulta sa isang propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan.