Labis na katabaan
Ang Body Mass Index (BMI) ay isa sa mga pamamaraan para masukat ng labis na timbang at labis na katabaan. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-divide sa bigat ng katawan (sa kg) sa na-square na taas (sa m): kg/m2. Para sa mga adultong Tsino na naninirahan sa Hong Kong, ang BMI 23.0-24.9 kg/m2 ay inuri bilang labis na timbang at ang BMI ≥25.0 kg/m2 ay inuri bilang napakataba.
Ang labis na katabaan sa baywang (central obesity) ay tinukoy na may sirkumperensiya sa baywang na ≥90 cm para sa mga kalalakihan at ≥80cm para sa mga kababaihan.
Dahil marami sa mga matatanda ang hindi kayang masukat ang kanilang sariling taas dahil sa kakulangan ng wastong mga kasangkapan na panukat, hindi makatayo nang tuwid o kakulangan ng tulong atbp. Ang pagsukat sa sirkumperensiya ng baywang ang nagbibigay ng isang mabilis at praktikal na paraan para sa masuri ang labis na katabaan, lalo na para sa labis na katabaan sa baywang. Ang sirkumperensiya ng baywang ay malapit na nauugnay sa Body Mass Index, nakakatulong ito sa pagtantya ng taba hindi lamang sa paligid ng baywang ngunit sa buong katawan. Ang mga panganib sa kalusugan na may kaugnayan sa labis na katabaan ay hindi lamang tumutukoy kung gaano karaming taba na ang naipon sa katawan, kundi pati na rin kung saan sila natipon. Ang labis na katabaan sa baywang ay nagdudulot ng parehong panganib sa kalusugan tulad sa mga may pangkalahatang porsyento ng mataas na taba sa katawan.
Ang labis na katabaan ay nakadaragdag ng panganib para sa ilang mga malalang sakit, tulad ng stroke, sakit sa puso, alta presyon, diabetes mellitus, metabolic syndrome, gallstones, osteoarthritis sa tuhod, sleep apnea at ilang mga uri ng kanser tulad ng colorectal cancer, kanser sa suso, kanser sa obaryo at kanser sa prostate.
Mga Sanhi Causes
- Ang enerhiya mula sa pagkain ay nagbibigay ng mga pampaggna para sa pang-araw-araw na gawain at nagpapanatili ng temperatura ng katawan. Kapag ang dami ng enerhiya na nasipsip ay lumampas sa kung ano ang kinakailangan, ang labis na enerhiya ay maiipon sa katawan sa anyo ng fatty tissue.
- Kabilang sa mga karaniwang dahilan sa pagtaba:
- Hindi malusog na diyeta, na nagreresulta sa labis na pagkonsumo ng taba o calorie
- Hindi sapat na mga pisikal na aktibidad, na nagreresulta sa akumulasyon ng taba sa katawan
- Nabawasang bilis ng metabolismo habang tumatanda
- Ang mga kadahilanan na namamana o sakit hal. sakit sa thyroid
- Mga masasamang epekto ng mga gamot hal. pangmatagalang paggamit ng sistematikong mga steriod
Pagpapanatili ng pinakamainam na timbang
- Ang prinsipyo ng pagkontrol ng timbang ay tuwiran: bawasan ang pagkonsumo ng calorie at dagdagan ang paggamit ng enerhiya. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagsunod sa malusog na diyeta at regular na pag-ehersisyo. Ito ay dapat na isinasagawa nang tuluy-tuloy na may tiyaga at ang pagbabawas ng timbang ay hindi dapat masyadong mabilis: hindi hihigit sa 2 libra bawat linggo.
- Sumunod sa isang malusog na kaugalian sa pagkain sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain ng may nilalaman na mataas na calorie hal. matatabang pagkain, pritong pagkain at meryenda halimbawa sorbetes, tsitserya at tsokolate.
- Dagdagan ang pagkonsumo ng enerhiya sa pamamagitan ng regular na pag-eehersisyo. Magsanay ng may katamtamang intensidad ng aerobic na pisikal na aktibidad sa loob ng hindi bababa sa 10 minuto, tulad ng pagdya-jogging, paglalakad, pagsasanay ng Tai Chi, paglangoy, upang maabot ang lingguhang target na hindi bababa 150 minuto bilang kabuuan o 75 minuto ng puspusang intensidad ng aerobic na pisikal na aktibidad bilang kabuuan (kung mayroon kang mga kadahilanan ng panganib sa sakit na puso, mangyaring humingi ng payong medikal bago mag-ehersisyo.)
Mga gawa-gawa at maling akala sa pagbabawas ng timbang
- Maraming maling akala tungkol sa pagbabawas ng
timbang. Ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa ng
hindi epektibo at hindi makatotohanang pamamaraan ng
pagbabawas ng timbang:
- Ang paginum ng mga pampadumi, pampaihi o mga gamot na sinasabing kayang bawasan ang timbang - maaari silang mapanganib.
- Walang carbohydrate na diyeta - Ang ilang mga pagkain, lalo na ang mga niluto sa maraming mantika, ay sa katunayan ay may nilalaman na mas mataas na calorie.
- Ang pagpapalipas ng pagkain: nababawas ang rate ng metabolismo kapag nabawasan ang kinakaing pagkain, na ginagawang mas mahirap ang pagbabawas ng timbang
- Ang paggamit ng hindi tamang pamamaraan upang mabawasan ang timbang ay maaaring makaapekto sa kalusugan. Tulad nito, dapat na bumuo ng malusog na kaugalian sa pagkain at magsagawa ng regular na pag-eehersisyo upang mapanatili ang pinakamainam na timbang.