Stroke
Ang stroke ay sanhi ng pagbara o pagtagas sa daluyan ng dugo sa utak, na nagiging sanhi ng hindi sapat na suplay ng oxygen at nutrisyon at nagreresulta sa pagkasira o pagkamatay ng mga selula ng utak. Ito ay hahantong sa pagkawala ng ilang mga paggana ng utak tulad ng kontrol sa mga paggalaw ng mga paa o braso at pagsasalita. Sa ilang mga pasyente, maaaring mabawasan ang kanilang kakayahang alagaan ang sarili.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng stroke:
- Ischemic stroke: Ito ay sanhi ng nabawas o biglaang pagkawala ng sirkulasyon ng dugo sa tissue ng utak at ang pinakakaraniwan, higit sa 80% ng mga stroke ang kabilang sa uri na ito. Kabilang sa mga pangunahing dahilan ay ang atherosclerosis sa mga cerebral artery, mga pamumuo ng dugo mula sa iba pang mga bahagi ng katawan na kadalasan sa puso na nagdudulot ng mababang perfusion sa utak.
- Hemorrhagic stroke: ang isang daluyan ng dugo sa utak ay pumutok bilang isang resulta ng mga sakit tulad ng alta presyon o sakit na cerebral vascular.
Mga sintomas ng stroke
Para sa karamihan, walang palatandaan bago maganap ang isang stroke. Ang presentasyon ng stroke ay depende sa lokasyon ng daluyan ng dugo pati na rin ang antas ng pinsala. Kapag nangyari ang mga sumusunod na sintomas, ang mga pasyente ay dapat pumunta agad sa Departamento ng Aksidente at Emergency upang mabawasan ang mga komplikasyon ng stroke:
- lokal na pamamanhid hal. sa mukha, isang paa o kamay o isang panig ng katawan
- kahinaan ng mga kamay o paa at katawan, karaniwang sa isang panig
- biglaang pagkawala ng balanse
- hindi malinaw na pagsasalita, paglalaway, kahirapan sa paglunok, lumihis na anggulo ng bibig
- pagkawala ng paningin, problema sa paningin, nadodoble ang paningin
- pagkaantok, coma
- iba pa: hal. biglaang matinding sakit ng ulo, patuloy na pagkahilo
Ang Transient Ischemic Attack (TIA) ay isang lumilipas na pangyayari na neurologic dysfunction na sanhi ng focal brain, spinal cord, o retinal ischemia, na walang acute infarction, na karaniwang tumatagal ng mas mababa sa 24 na oras. Ang isang pasyente ay maaaring magkaroon ng TIA minsan o maraming beses at ito ay maaaring magpahiwatig ng isang paparating na totoong stroke. Anuman ang mangyari, dapat na konsulta kaagad sa doktor sa paglitaw ng nagbabalang mga palatandaan.
Pag-iwas sa stroke
Noong 2018, ang stroke ay ang ika-apat na pumatay sa Hong Kong kasunod ng cancer, pneumonia at sakit sa puso. Ang pangyayaring ito sa mga matatanda ay mas mataas, ang pangunahing dahilan ay ang atherosclerosis sa mga daluyan ng dugo sa utak. Ipinakita ng mga pag-aaral na sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga kadahilanan ng panganib ng stroke, maaari ring mabawasan ang posibilidad na makuha ito.
- Tumigil sa paninigarilyo.
- Mag-ehersisyo nang regular. Magsanay ng may katamtamang intensidad ng aerobic na pisikal na aktibidad sa loob ng hindi bababa sa 10 minuto, tulad ng pagdya-jogging, paglalakad, pagsasanay ng Tai Chi, paglangoy. upang maabot ang lingguhang target na hindi bababa 150 minuto bilang kabuuan o 75 minuto ng puspusang intensidad ng aerobic na pisikal na aktibidad bilang kabuuan (kung mayroon kang mga kadahilanan ng panganib sa sakit na puso, mangyaring humingi ng payong medikal bago mag-ehersisyo.)
- Pamahalaan ang stress at manatiling positibo.
- Sundin ang isang balanseng diyeta. Iwasan ang diyeta na may mataas na taba mula sa hayop, mataas na trans fat, mataas na kolesterol at mga pagkaing may mataas na asin.
- Iwasan ang alkohol
- Ang mga pasyenteng may alta presyon, diabetes mellitus, sakit sa puso o nakaraang kasaysayan ng stroke ay dapat dumalo nang regular sa medikal na follow-up at tumanggap ng naaangkop na paggamot upang makontrol ang presyon ng dugo at antas ng glucose sa dugo.
- Ang mga pasyente na may kasaysayan ng stroke o ischemic heart disease na nangangailangan ng pangontrang medisina ay dapat dumalo sa regular na mga follow-up at sumunod sa paggamot gamit ang gamot.
Mga layunin ng pangangalaga ng stroke:
- Pagbutihin ang kalidad ng buhay ng pasyente: na may
pagpapahalaga sa parehong mga pisikal at sikolohikal
na aspeto.
- Mapahusay ang kakayahan ng pasyenteng pangalagaan
ang kanyang sarili: matutunan ang naaangkop na mga
kasanayan sa pagpapanumbalik ng normal na
pang-araw-araw na gawain at mabawasan ang pagdepende
sa iba. Maaari nitong bagalan ang panghihina sa mga
paggana at mabawasan ang pasanin ng mga
tagapag-alaga.
- Panatilihin ang paggana ng paa o kamay at katawan
upang maiwasan ang sugat dahil sa kakahiga,
impeksyon sa dibdib, aspiration at mga problema sa
balikat.
Ang stroke ay maaaring maging isang nakapanghihinang kondisyon. Gayunpaman, ang naaangkop na paggamot at determinasyon, maraming mga pasyente ang maaaring mabawi ang kanilang paggana. Ang mga pasyente at tagapag-alaga ay hinikayat na humingi ng tulong sa mga propesyonal para sa angkop na payo.