Pag-iwas sa Pagkahulog

Dampak jatuh

Mga Resulta ng Pagkahulog

Ayon sa mga istatistika mula sa Center ng Kalusugan ng Matatanda (Elderly Health Center) noong 2017, sa 45,000 na may edad na 65 o higit pa sa mga matatanda na nakatira sa komunidad, ang 10.1% ay nakaranas na ng pagkahulog isang beses sa loob ng 6 na buwan. Kabilang sa mga nahulog, 10.2% ay may mga bali. Ang pagkahulog ay isa sa mga pinaka nakakawala ng kakayahan na mga kalagayan sa mga matatanda, na makakadulot ng makabuluhang epekto sa paggana ng matanda, kasarinlan at kalidad ng buhay ng mga matatanda. Bukod dito, ang pagkahulog ay may malaking epekto sa tiwala sa sarili ng mga matatanda — ang ilan ay iiwasang lumabas sa kanilang mga tahanan matapos lamang ang di-malubhang mga pagkahulog dahil sa takot na matumba muli. Ang kanilang buhay panlipunan ay naapektuhan, na naglalagay sa mga ito sa panganib na magkaroon ng kalungkutan o depresyon. Maaari ring makalala ang pagkahulog kung hindi makatumayo ang mga matatanda at makahingi ng tulong medikal.

Mga panganib na kadahilanan sa pagkahulog

Hindi nangyayari ang pagkahulog nang walang dahilan—karaniwang nangyayari ito dahil sa pakikipag-ugnayan ng maraming mga kadahilanan sa panganib:

  • Problema sa paningin
  • Mahinang balanse ng katawan hal. Parkinson’s disease, stroke o demensya
  • Problema sa kasukasuan o paglalakad hal. osteoarthritis sa tuhod, stroke
  • Pagkahilo hal. cardiac arrhythmia, postural hypotension
  • Mga masasamang epekto ng mga gamot hal. pagkahilo o mahinang balanse dahil sa paggamit ng mga gamot pangontra sa alta presyon o pang hipnotiko
  • Stress dahil sa kawalan ng pagpipigil sa ihi
  • Hindi maayos na damit hal. masyadong mahaba o masyadong maluwag
  • Mga panganib sa kapaligiran sa loob ng bahay hal. madulas na sahig, hindi sapat ang liwanag, mga hadlang sa sahig, at hindi angkop na mga muwebles sa bahay

Pag-iwas sa maraming mga aspeto

Maaaring mapigilan ang pagkahulog sa isang diskarte na may maraming anggulo na kinakailangan upang matugunan ang iba't ibang mga kadahilanan ng panganib. Pinapayuhan ang mga matatanda na madalas na mag-ehersisyo upang palakasin ang kanilang mga kalamnan at mapahusay ang kalambutan ng katawan, balanse at koordinasyon (tulad ng Tai Chi). Kailangan din nilang tandaan ang sumusunod na mga tip upang mabawasan ang panganib ng pagkahulog.

Mga Tip sa Pag-iwas sa Pagkahulog

  1. Mag-ingat sa mga panganib sa kapaligiran sa loob ng bahay
    Panatilihing walang nakaharang sa mga daanan
    • Alisin ang mga hindi kinakailangang bagay sa sahig. Panatilihing tuyo ang mga nilalakaran. Iwasan ang pag-wax ng mga sahig
    • Pinturahan ang mga doorsill ng matingkad na pintura o magkabit dito ng mga may matitingkad na kulay na teyp
    Angkop na muwebles
    • Pumili ng matatag na upuan na may naaangkop na taas
    • Iwasan ang pag-upo sa mga sofa, mababang upuan, natitiklop na upuan o upuan na may mga gulong
    • Pumili ng mga upuan na may mga patungan ng braso upang mapadali ang pagtayo
    Sapat na liwanag
    • Maglagay ng pampailaw sa gabi o lampara sa kama
    • Iposisyon ang mga suwits sa madaling maabot na lokasyon
    Kaligtasan sa kusina at banyo
    • Gumamit ng mga di-dumudulas na banig sa halip na gumamit ng mga tela bilang mga banig sa sahig
    • Gumamit ng mga di-dumudulas na baldosa sa banyo. Maglagay ng mga di-dumudulas na teyp at maglagay ng mga kabilyang hawakan sa bathtub.
  2. Pumili ng naaangkop na damit at sapatos
    Damit
    • Magsuot ng mga damit na kasya sa iyo — iwasan ang mga damit na masyadong mahaba o masyadong maluwag
    • Pumili ng mga damit at pantalon na madaling isuot at tanggalin
    Sapatos sa paa
    • Pumili ng mga sapatos na tama ang sukat sa paa
    • Pumili ng mga sapatos na may di-dumudulas na talampakan
    • Palitan ang mga sapatos na may mga pudpud na talampakan
    • Iwasang magsuot ng tsinelas kapag lumabas o magsuot lamang ng medyas kapag naglalakad sa loob ng bahay
    • Tiyakin na ang mga tali ng sapatos ay maayos na nakatali, o magsuot ng mga umaangkop na sapatos ng paa na may mga strap ng velcro at mga siper
  3. Gawin ang pangangalaga sa sarili at mga gawaing bahay nang ligtas
    Paggalaw ng katawan
    • Huwag maliitin ang iyong kakayahan. Panatilihing mabagal ang paggalaw habang binabago ang postura (hal. kapag bumangon mula sa kama, ‘pag tumayo)
    • Manatiling nakaupo habang nagsasagawa ng mga aksyon na nangangailangan ng balanse, hal. pagsusuot ng pantalon
    Pagpapanatili ng enerhiya — umupo nang madalas, tumayo nang mas kaunti
    • Umupo kapag nagsasagawa ng mga gawaing bahay hal. pamamalantsa ng damit, paghahanda ng mga pagkain atbp.
    • Pagsalit-salitan ang di-mabigat at mabibigat na gawaing bahay
    Ang mga pangangailangan ay panatilihing madaling maabot
    • Ang mga pangangailangan tulad ng mobile phone, pitaka, mga susi at damit ay panatilihing nasa mga lugar na may taas na pagitan ng baywang hanggang balikat
    Iwasan ang pag-abot o tumingkayad
    • Gumamit ng mga angkop na kagamitan kung kinakailangan hal. mga pang-abot na kasangkapan, panlinis na mga panukit, may mahabang hawakan na mga shoehorn atbp.
    Iwasan ang mapanganib na mga galaw
    • Humingi ng tulong kung kinakailangan
    Gumamit ng mga aparatong nakakatulong
    • Gumamit ng mga aparatong nakakaiwas sa pagkahulog: mga aparato sa pag-abot na may mahabang hawakan, may mahabang hawakan na shoehorn at aparato sa pagsuot ng medyas
    • Gumamit ng mga nakakatulong sa paglalakad: mga frame para sa paglakad, mga quadripod, baston
    • Magsuot ng pantalon na may proteksyon sa balakang upang mabawasan ang panganib ng bali pagkatapos mahulog
  4. Manatiling alerto kapag lumabas
    Manatiling alerto kapag lumabas
    • Iwasan ang minsanang paggawa ng madaming gawain o pagmamadali
    • Mag-ingat kapag umaakyat o bumababa ng mga hagdan at escalator pati na rin paghawak sa hawakan
    • Panatilihing libre ang isang kamay para sa mga emerhensiya
  5. Maingat na gumamit ng mga mapagkukunang panlipunan
    Gawaing bahay
    • Dapat talakayin ng mga matatanda sa mga miyembro ng pamilya ang pagbabahagi ng mga gawaing bahay kung nahihirapan sila sa pamamahala ng mga gawaing bahay. Maaari rin nilang ikosidera na mag-apply para sa serbisyo ng pagpapahatid ng pagkain, serbisyo sa tulong sa bahay, at serbisyo sa pangangalaga sa bahay kung kinakailangan.
    Pangangalaga sa pamilya
    • Ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring ikonsidera ang serbisyong pansamantalang pahinga o serbisyo ng day care center kung sakaling hindi nila mapangalagaan ang matanda pansamantala o matanda na may pangangailangan sa rehabilitasyon ayon sa pagkakabanggit.
    Matatandang nabubuhay nang mag-isa
    • Ang matatanda na nabubuhay nang nag-iisa ay maaaring ikonsidera ang paggamit ng pang-personal na alarm sa kaligtasan o may espesyal na dinisenyong mobile phone para sa mga matatanda

Pamamahala ng Pagkahulog

Dapat masuri ng mga matatanda ang kanilang panganib sa pagkahulog kahit na may nakaraang pangyayari ng pagkahulog o wala. Matapos ang pagkahulog, dapat gawin ng mga matatanda ang sumusunod:

Manatiling kalmado.

Suriin ang antas ng pinsala. Dahan-dahang igalaw ang katawan kung ang pinsala ay hindi malubha.

Gumpang hanggang maabot mo ang isang pader o matatag na muwebles, pagkatapos ay subukang bumangon sa suporta ng mga muwebles sa bahay.

Kung hindi ka makabangon, dapat kang tumawag sa telepono, humingi ng tulong sa pamamagitan ng Link sa Personal na Serbisyong Pang-emergency o buksan ang pangunahing pintuan at sumigaw tulong nang malakas

Linisin muna ang sugat kung mayroong gasgas.

Kahit na walang nakikitang sugat, dapat kang kumunsulta kaagad sa isang doktor kung nahihirapan kang gumalaw o sa malubhang sakit dahil maaari kang mayroon isang bali.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa pagkahulog, mangyaring bisitahin ang: https://www.elderly.gov.hk/english/books/fall_prevention.html