Payo para sa mga Matatanda para Mapanatiling Mainitan
Bigyang pansin ang mga ulat panahon. Magsuot ng karagdagang damit sa panahong sobra ang lamig.
Magsuot ng scarf, sombrero at guwantes. Magsuot ng sakto at makakapal na damit bago sumali sa mga gawain.
Karne galing sa pangangaso at karneng marami ang taba ay nakakasama sa maraming paraan. Giginawin ka pag uminom ka ng alak.
Uminom at kumain ng maiinit na inumin at pagkain, at panatilihin ang tamang diyeta.
Manatili sa loob sa mga araw na malamig. Huwag manatili sa labas ng matagal.
Buksan ang mga bintana pag gumagamit ng pangpainit para may maayos na bentilasyon.
Ang pagtakip ng ulo habang natutulog ay nakahahadlang sa iyong paghinga. Ang pagbaluktot ng mga paa nakakapigil sa sirkulasyon ng dugo.
Bigyang pansin ang posisyon ng iyong pagtulog, sapagkat magiging mahimbing ang tulog kung maayos ang posisyon.
Mag ehersisyo ng madalas at igalaw ang iyong mga paa sapagkat ang mga ito ay nagpapainit ng katawan.
Maglakad sa labas sa mga umagang maaraw. Manatiling mag ehersisyo sa loob sa mga araw na malamig,
Batiin ang iyong mga kapitbahay para ipakita na ikaw ay nagmamalasakit sa kanilang kalagayan at seguridad. Sa ganoong paraan, ang mga matatanda ay mararamdaman ang init ng iyong kalooban.