Kaalaman Paano Pigilan ang
Sintomas ng
Katamtamang Sintomas:
Pananakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pamumutla,
pagbilis ng tibok ng puso, pagpapawis ng malamig.
Malalang Sintomas:
Kumbulsyon, matagalang pagkawala ng malay o pagkamatay.
Mga Taong nasa Peligro
Matatanda, pasyenteng may pabalik balik na mga sakit, mga taong nagtatrabaho sa labas.
Mga Hakbang sa Paghadlang
Pananamit:
Magsuot
ng maluwag, maliliwanag na kulay at gawa sa bulak na mga
damit.
Mga inumin:
Kung kaya sa iyong katawan, uminom ng maraming tubig.
Uminom ng hindi bababa sa walong baso (250ml bawat isa)
ng tubig araw araw kahit na hindi ka pinagpapawisan ng
madalas. Uminom kada dalawang oras pag nasa loob at kada
kalahating oras kung nasa labas. Tandaan na umiwas sa
pag inum ng alak at ibang inuming nakakasigla.
Bahay:
Panatilihin
ang magandang bentilasyon sa loob na may sariwang
hangin.
Pagbyahe:
Bago lumabas, alamin ang ulat panahon. Kung sakaling ang
ulat ay Nagbabala ng Sobrang Mainit na Panahon, huwag
magbilad sa araw at huwag mag ehersisyo ng sobra.
Magdala ng iyong payong, mga inumin at magsuot ng
sombrerong may malapad na tabing kung lalabas. Magpahid
ng sunscreen lotion kada dalawang oras para protektahan
ang iyong balat.
Pagkalinga sa Taong na Heat Stroke
1. | Kaagad Ilipat ang pasyente sa isang lugar na masisilungan. Paandarin ang bentilador o air-conditioner para lumamig. |
2. | Gumamit ng basang tuwalya upang punasan ang katawan para pababain ang temperatura nito. |
3. | Kung ang matandang pasyente ay may malay, bigyan ng maraming malamig na inumin upang mapalitan ang nawalang tubig sa katawan. |
4. | Kung ang pasyente ay walang malay o hindi kaya ay nahihilo, dalhin kaagad sa ospital hangga’t maaari. |